BORACAY
ANG PINAKA SIKAT NA DAGAT SA PILIPINAS
Ang Boracay ay isang tropikal na pulo
na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila
at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay
sa Silangang Visayas sa Pilipinas.
Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista
sa bansa. Binubuo ang pulo ng mga barangay
ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ng bayan
ng Malay), at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism
Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan
ng Aklan.
Ang Boracay ay nabibilang sa kumpol ng isla sa Panay sa Kanlurang
Visayas. Ito ay maliit lamang at korteng buto. Matatagpuan ang Boracay mga
dalawandaang kilometro sa timog ng Maynila. Bahagi ito ng bayan ng Malay sa
probinsiya ng Aklan. Binubuo ito ng tatlong barangay: Manoc-Manoc, ang Balabag,
at Yapak. Ang Yapak ay nasa hilagang dulo ng isla, Balabag ay nasa gitna, at
ang Manoc-Manoc naman ay nasa timog.